Sa lahat ng wika sa mundo, pag-ibig lamang ang may kakayanang i-overcome ang limits ng salita. Araw-araw, ini-extend natin ang ating sarili sa mundo, mula sa pagganap ng responsibilities hanggang sa pagpapahalaga sa ating loved ones. Ni-reremind tayo ng Valentine’s Day na ibalik din sa sarili natin ang love na inaalay natin sa iba. Tandaan natin ang mga sumusunod na practices para iparamdam din natin sa sarili ang love na deserve natin:
- I-reimagine ang Self-Care. Higit pa sa simpleng pampering ang self-love; kaagapay nito ang pag-aalaga hindi lang sa physical and mental well-being, pati na rin sa financial at emotional health. Hindi lang nakafocus ang pagiging physically healthy sa pag-build ng muscles sa gym – mga simple and fun recreations tulad ng dog-walking o rock-climbing ay nag-improve din ng overall health and fitness.
- Mag-invest sa Best Version Mo. Pagkamit man ng goals o pagnurture ng health, ang paglaan ng time sa personal growth ay nakatutulong ma-unleash ang iyong full potential bilang individual. Habang umaangat ang self-worth, nagiging magnet ka ng mas maraming opportunities, relationships, and experiences na aligned sa long term goals.
- Gumawa ng Gratitude Journal. Mag-set ng ilang sandali kada araw para isulat ang mga bagay na thankful ka. Sa pag practice ng pasasalamat regularly, nagkakaroon ng positive and empowering shift sa iyong pananaw sa buhay. Mapapalaya mo ang sarili mula sa regret at matututong yakapin ang learning at growth.
Hindi natatapos ang self-love sa Araw ng mga Puso; ito ay everyday practice ng healing at showing up for yourself even on difficult days. Bilang pundasyon ng ating relationships, trabaho, at personal growth, ang pag-foster ng self-love ay nagpapayaman sa lahat ng important aspects ng buhay. Pinagtitibay rin nito ang ating kakayanan na ipakita ang pagmamahal sa iba nang buo. Habang mas kinikilala natin ang ating sariling needs, mas lumalago ang pagmamahal natin sa sarili. Habang mas kinikilala natin ang ating identity, mas maraming opportunities ang nalilikha – hindi lamang para sa happiness ngunit maging sa stability, progress, at secure relationships.