This March, ipinagdiriwang natinang mga kababaihang naging kasama natin sa bawat yugto ng buhay. Tamangtama lang na i-honor natin sila sa simpleng paraan, lalo na pagdating sa pag-aalaga ng kanilang health and wellness.
1. Maglaan ng oras para sa health checks
Kahit gaano ka-busy, malaking tulong ang paglalaan ng oras para sa kalusugan. Magbook ng regular or specialized check-ups para ma-detect nang maaga ang anumang health concerns. Gawing habit ang pag-monitor ng vital signs kahit nasa bahay lang.
2. Mamili ng paglalaanan ng energy
Maging mas intentional sa mga commitments para maprotektahan ang peace of mind. Iwasan ang stressful environments at toxic na tao, at sa halip, ilaan ang energy sa meaningful moments kasama ang mga mahal sa buhay.
3. Sumali sa mga grupo
Palawakin ang social circle sa pamamagitan ng pagsali ng clubs, classes, or organizations. Bukod sa bagong kaibigan, makakatulong ito mag-boost ng energy at wellbeing.
4. Subukan ang bagong activity
Ang pag-explore ng bagong hobby ay maaaring magbigay inspiration at boost ng energy. Subukan ang matagal mo nang gustong gawin tulad ng magluto ng signature dish o sumali sa isang pickleball game.
5. Protektahan ang finances
Magexplore ng iba’t ibang financial options para masiguro ang future ng pamilya. Walang tatalo sa peace of mind na alam mong handa ka para sa bukas. Makipagusap sa licensed professional para malaman ang options na babagay sa goals mo sa buhay.
Discover BPI AIA products tailored to your current priorities, needs, and goals. Click on the sections below to get started.