Nandito na ang summer! Umiinit na ang panahon at matindi na ang sikat ng araw. Huwag magalala, maraming paraan para ligtas nating ma-enjoy ang summer.
1. I-timing ang activities
Iwasan ang oras na pinakamalakas ang UV rays: madalas ito from 10 AM to 4 PM. Mas okay magerrands o magworkout sa labas ng oras na ito para iwasan ang sunburn, dehydration, at heat exhaustion.
2. Magbihis ng angkop sa weather
Must-have ang sunscreen bago lumabas ng bahay para iwas sunburn, early aging, at skin cancer. Piliin ang breathable fabrics para sa OOTD mo para presko ka all day. Huwag kalimutan magsuot ng cap and UVblocking sunglasses dahil kailangan din protektado ang mga mata mo.
3. Uminom ng tubig
Stay hydrated lagi. Magdala ng water bottle wherever you go, at kumain ng fruits na mataas sa water content para energized ka all day.
4. Stay active
Kahit mainit, staying active can boost your mood and energy. Piliin ang activity na enjoy mo talaga tulad ng pickleball, Pilates, running, o kahit brisk walking, para mas madali maging consistent.
5. Maglaan ng oras para sa pahinga
Mabilis mapuno ang summer schedule ng mga trips, meetups, at activities, kaya huwag kalimutan magslow down. Mag-recharge by listening to music, watching a movie, or reading a good book. Kapag balance ang activities mo sa pag pahinga mo, mas naaalagaan mo ang well-being mo.
Discover BPI AIA products tailored to your current priorities, needs, and goals. Click on the sections below to get started.