Reframe your relationship with the scale. Isang data point lamang ang weighing scale sa napakaraming sukatan ng kalusugan. Kung i-lilimit natin ang ating pagkatao sa palagiang nagbabagong numero, hindi natin ganap na mauunawaan ang estado ng ating kalusugan. Malaki ang papel ng genes sa fat distribution, kaya iba-iba talaga ang ating body types at health tendencies (Institute of Medicine, 2004). Kilalanin at ipagdiwang ang tunay na kalusugan higit pa sa timbang – ito ay makikita sa kalidad ng ating tulog, lakas, enerhiya and mood levels, at estado ng emosyon.
Nanggagaling sa pagpapanatili ng balanseng relasyon sa ating katawan ang tunay na kalusugan at kagandahan – isang ugnayang nakabatay sa pangangalaga sa ating sarili at hindi sa unrealistic idea ng perfection. Salamin ang kalusugan ng ating pangkalahatang well-being. Habang mas binibigyang halaga natin ang ating sarili, mas nagiging masaya, buo at pangmatagalan ang fulfillment natin sa buhay. Dinisenyo ang ating katawan upang mapanatili ang pagiging balanse, at sa tuwing natutunan nating kilalanin ang mga proseso nito, mas binubuksan natin ang daan patungo sa mas malusog, mas mahaba, at mas makabuluhang buhay.