Para sa karamihan ng mga Pilipino, nagsisimula ang financial planning sa pag-allocate ng budget at pagtupad ng short-term goals. Ayon sa Insurance Business, ipinapakita ng national data na nananatiling mas mababa sa 2% ng GDP ang insurance penetration (Manila Standard).1 Ibig sabihin, hindi pa rin priority ang long-term protection para sa majority ng mga Pilipino. Dahil dito, nagiging vulnerable ang mga pamilya sa biglaang financial setbacks na maaaring bumura sa ilang taon ng pagtatrabaho at pag-iipon.
May kakayahan ang life insurance magbigay proteksyon para sayo at sa mga mahal mo sa buhay. But is your current coverage enough para sa mga hindi inaasahang hamon ng buhay? Personal mong safety belt ang life insurance: kung sapat ang coverage, magsisilbi itong security sa panahon ng pangangailangan.
Bakit Kailangan Mong I-review ang Coverage Mo?
- Para sa Tiyak na Seguridad ng Pamilya
Sa typical na Pinoy household, isa o dalawang breadwinner lang ang bumubuhay sa pamilya. Kapag may nangyaring hindi inaasahan, tulad ng sakit o pagkawala, ang tanong: kaya bang saluhin ng insurance mo ang buong gastusin? Baka kailangan mo ng dagdag na coverage para tuloy-tuloy ang pagkain, kuryente, at bahay kahit may krisis.
- Kasama sa Bawat Yugto ng Buhay
Nag-iba na ba ang mga priorities mo? Handa ka na ba magsimula ng pamilya? May plano ka bang bumili ng bahay o nag-iipon para sa retirement? Patuloy ang pagbabago ng buhay, mahalagang sumabay ang insurance mo sa iyong pangangailangan at responsibilidad. Karagdagang riders man o panibagong coverage, mas magkakaroon ka at iyong pamilya ng peace of mind kapag pinagtibay ang kasalukuyang policy.
- Proteksyon sa Gastos Pangkalusugan
45% sa mga gastusin ng mga Pilipino ay nakaugat sa health-realted expenses. Sa panahon ng medical emergencies, maaring hindi maging sapat ang iyong coverage kung walang health o critical illness rider. Nakatutulong ang additional insurance sa mga budget para sa pangangailangang pang-ospital, gamutan, at recovery.
- Para sa Pamana na Hindi Matitinag
Malaki ang kahalagahan ng pamana sa kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Ngunit, ang tunay na pamana ay hindi lang materyal – ito ay ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga mahal mo sa buhay. Sa agapay ng tamang coverage, masisigurado mong walang magiging hadlang sa mga pangarap ng mga mahal mo sa buhay anuman ang mangyari.
Tara, I-level Up ang Protection Mo
Kapag inuuna mo ang proteksyon, namumuhunan ka rin sa kanilang bukas. Ang mas maingat na pag-aalaga ngayon ay nagbibigay sa atin ng kapayapaan ng isip at tiwala na mas magaan ang daraanan ng mga taong umaasa sa atin. Dahil sa usaping proteksyon, mas mabuti nang sobra kaysa kulang.
References
- Araullo, K. (2023). Philippines insurance penetration remains below 2%. Insurance Business. https://www.insurancebusinessmag.com/asia/news/breaking-news/philippines-insurance-penetration-remains-below-2-456378.aspx
- Libatique, R. (2025). Philippine healthcare costs expected to keep climbing in 2025. https://www.insurancebusinessmag.com/asia/news/life-insurance/philippine-healthcare-costs-expected-to-keep-climbing-in-2025-519580.aspx