Hindi nauubusan ng advice kung paano i‑manage ang stressful situations, whether ito ay galing sa environment mo, sa mga taong nakakasalamuha mo, o sa mga araw‑araw na demands ng buhay.
As we rethink what it means to be healthy at sa aming pag-advocate sa power of choice pag dating sa sarili nating version ng well‑being, nakita naming ang pinaka‑makabuluhang efforts ay iyong mga bagay na kaya mong kontrolin.
Alamin ang easy, but overlooked, ways para mabawasan ang stress.
Kilalain agad ang iyong stressors
Minsan, tahimik lang dumating ang stress na makikita sa maliliit na physical o behavioral signs. Kapag maaga mong mapansin ang mga senyales na ito, mas makaka-respond ka sa sitwasyon bago pa lumala ang stress at umabot sa punto na mas mahirap nang i‑manage ang emosyon at desisyon mo. Pansinin ang changes sa galaw mo, tulad ng pagbilis ng pananalita or pagdiin ng pag-type ‘pag nasa trabaho.
Pumili ng routine na gumagana para sa’yo
Karaniwang nirerekomenda ang deep breathing para mag‑relax, pero hindi ito gumagana para sa lahat, at hindi sa lahat ng sitwasyon. Ang mahalaga ay makahanap ka ng action na talagang nakakatulong sa katawan mo na kumalma.
Maaaring ito ay pagbagal ng galaw mo, pag‑ayos ng posture, o paggawa ng sarili mong “stress scale” para mag‑check in sa sarili mo, i‑acknowledge ang sitwasyon, at tulungan ang katawan mong mag‑settle.
I‑ground ang sarili sa choice at control
Mas nakaka‑overwhelm ang stress kapag pakiramdam mo ay wala kang kontrol o parang walang katapusan ang sitwasyon. Sa mga ganitong sandali, mag-focus sa kung ano ang kaya mong impluwensyahan ngayon. Tanungin ang sarili: “Ano ang kaya kong kontrolin sa moment na ito?” Kung mabigat ang workload, hatiin o liitan ang tasks at i-determine kung paano mo sila haharapin. Kung may challenging interaction, mag‑pause muna bago sumagot at pag‑isipan ang tono mo.
Mag‑reflect, tapos mag‑recalibrate
Kapag humupa na ang tindi ng stressful moment, maglaan ng oras para mag‑reflect. Ano ba ang nag‑trigger ng reaction mo – time pressure ba, expectations, o may iba pang dahilan? Ang pagtingin sa stress na may curiosity, sa halip na self‑judgment, ay makakatulong para mas maintindihan mo ang sarili mong responses at mas madaling makabalik sa calmer state.
Maging intentional sa pagitan ng mga moments
Madalas mas lumalala ang stress kapag sunod‑sunod itong nangyayari. Maglaan ng transition moments para magsilbing signal ng closure at maiwasan ang pag carry over ng stress. Simpleng actions tulad ng pag‑stretch o pagbawas ng screen time ay makakatulong sa pag‑reset ng isip at katawan. Ang mga maliliit na pauses na ito ay nakakatulong para mas harapin ang susunod na gawain nang mas magaan at mas malinaw ang isip.
Disclaimer:
Ang impormasyong ito ay pangkalahatan lamang at hindi dapat ituring bilang financial, medical, health, nutritional, o iba pang uri ng professional advice. Kumunsulta sa iyong financial adviser, o medical o health practitioner, batay sa iyong personal na sitwasyon.