Alam mo ba na ang pension fund na naibibigay ng gobyerno, na nasa PHP 1,120 to PHP 18,000 kada buwan, ay hindi sapat para sa pang-araw araw na gastusin ng karaniwang pamilyang Pilipino? 1 Kung ang total monthly expenses ay lumalabas na nasa PHP 35,000 hanggang PHP 85,000, paano makakasabay ang mga Pilipino sa tumataas na cost of living? 2
Bahagi ng Rethink Healthy campaign ng BPI AIA ang pangangalaga sa iyong financial health. Higit pa sa pag-iipon, ang financial awareness ay pagkakaroon ng kumpletong plano para sa financial security, lalo na sa pagharap sa mga pangyayari na maaaring hindi mo inaaasahan sa buhay.
Paano ba maisasagawa ang financial awareness?
Tukuyin ang magiging future costs. Sa halip na magfocus sa pagbuo ng isang perpektong buhay, ang financial awareness ay pagkilala sa iyong mga tunay na pangangailangan sa hinaharap. I-consider ang mga sumusunod:
- Long-term residence (rent, housing loans, and utilities)
- Budget para sa healthcare, pagkain, transportation, at personal care
- Support para sa anak, magulang, o asawa
Kapag ikaw ay may estimate na ng maaaring gastusin, mas mabibigyang linaw ang iyong pagplano sa ideal monthly retirement income mo.
I-branch out ang buwanang income. Dahil patuloy ang pagtaas ng living costs, hindi sapat na isa lamang ang source ng iyong income. Maliban sa savings at long-term deposit, ang mga sumusunod ay makakapagbigay ng mas well-rounded na financial aid:
- Insurance plans with payout benefits
- Retirement-focused investments
- Rental income or small business dividends
Maghanda para sa cost ng pagtanda. Isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit mabilis na nauubos ang ipon ay dahil sa mga health-related expenses. Kaya naman, mahalaga ang pagkakaroon ng financial protection. Malaki ang tulong ng life at health insurance sa iyong financial planning. Makasisigurado ka na may coverage kang maasahan kung sakaling magkaroon ng medical emergencies.
Mag-plano kasama ang pamilya. Mahalaga ring magtakda ng healthy boundaries at mag-initiate ng healthy conversations kasama ang mga mahal sa buhay sa iyong financial planning. Aling pangangailangan ang dapat pag-handaan para sa magulang, anak, o asawa? Anong klase ng financial support ang maaari nilang kailanganin?
Higit pa sa pagtabi ng pera ang financial security, ito ay ang pag-anticipate ng mga pagbabago sa buhay nang may kalinawan at perspektibo sa realidad ng buhay. Kapag mas inuunawa mo ang iyong long-term needs, mas magkakaroon ka ng kumpiyansa at peace of mind, hindi lamang para sa iyo, kundi para na rin sa mga mahal mo sa buhay.