Hindi lang laging malakas na ulan o baha ang rainy days. Bukod sa paghahanda para sa maulang panahon, mahalaga ring maging financially prepared para sa mga emergencies, gaya ng aksidente, job loss, o biglaang gastos. Hindi natin mahuhulaan ang mga ganitong sitwasyon pero kayang-kaya nating paghandaan.
Ano ba ang “Rainy Day Fund”?
Ito ay ipon na nakahiwalay para sa mga hindi inaasahang pangyayari. Parang life vest, hindi man laging sinusuot pero sobrang nakatutulong sa oras ng sakuna.
Bakit mo ito kailangan?
Peace of mind – kapag may emergencies, hindi ka na mag-aalala dahil may mahuhugot kang ipon. Mas maayos na mahahandle ang anumang aberya kapag panatag ang loob mo.
Iwas utang – hindi na kailangang umaasa sa credit card o umutang knowing na may sasalong savings sa iyo sa panahon ng pangangailangan.
Tuloy tuloy ang pangarap – dumaan man sa crisis, hindi na kailangang isakripisyo ang long-term goals dahil may masasandalan kang ipon.
Pwedeng pwede mo na simulan ang paghahanda ngayon, hindi kailangan ng malaking kita o magkaroon ng financial degree. Mas importante ang malinaw na goal, dahil maliit o malaki man ang hakbang, umuusad ka patungo sa iyong target safety net. Narito ang ilan sa mga habits na maaaring sundin natin:
1. Hindi kailangang malaki para makapagsimula. Walang maliit na halaga pagdating sa pag-iipon. Magtabi ng ₱50 man o ₱100 araw-araw, lalaki ito sa pagdating ng panahon basta consistent ka.
2. I-automate ang savings. Mag-set ng auto transfer mula sa paycheck papunta sa savings account para hindi na magastos ang nakalaan sa ipon.
3. Maging wise sa paggamit ng extra income. Deserve mo man ang mga bonuses na natatanggap sa trabaho, matutong maghiwalay para sa emergency savings. Hindi gaya ng pagtitipid, isa ito sa pinaka-madali na paraan para mapalaki ang ipon.
Saan Pwede Ilagay ang Rainy-Day Fund?
- High-yield savings accounts – secure, accessible, at mas maganda ang interest kumpara sa regular na savings accounts.
- Money market accounts – mas mataas na kita at parehas na liquidity para mabilisang maka-withdraw.
- Insurance na may kasamang investment – kung gusto mo ng life protection at pagkakataong mapalago ang iyong finances, bagay sayo ang VUL plans. May proteksiyon ka na, may potential pa for returns.
Anuman ang estado sa buhay, nag-aaral o nagtatrabaho, isa sa pinakamatalinong desisyon na pwede mong gawin para sa sarili mo ay ang pagkakaroon ng rainy day fund. Gawin mong partner ang paghahanda sa araw-araw na buhay. Bawat desisyon para mapabuti ang iyong kinabukasan ay hakbang papunta sa mas healthy, mas mahaba, at mas magandang buhay.