- Grow into who you can be. Sa tuwing inaasikaso natin ang ating sarili, tayo'y na-eempower na magkaroon ng mas meaningful connections at accomplishments (Goleman, 1995). Sa halimbawa ng mga thoughtful practices gaya ng pagbalangkas ng aims and ambitions - mas napagyayaman natin ang ating pansariling pagunlad. Paglalarawan ni Brown (2012) sa Daring Greatly, ang pagset ng goals na base sa ating values ay integral sa ating paglalakbay sa buhay na may mas malinaw na hangarin. Sa pagtuklas sa mga tunay na layunin natin sa buhay, tumitibay lalo ang pagkakakilala natin sa ating sarili.
- Mindful Living for an Empowered You. Para maramdaman ang tunay na empowerment, dapat maging mas maingat tayo sa ating mga iniisip, ginagawa, at pati nararamdaman. Paliwanag ni Kabat-Zinn (1990) sa Full Catastrophe Living, ang mindfulness ay nakatutulong mag-regulate ng stress at emotions. Maging sa simpleng pag- stretch, pag-inom ng lemon water, o pagkain ng masustansiyang agahan o breakfast ay malaking bagay na sa pag harap sa ating araw-araw na mga gawain.
- Unwind, Unplug, and Recharge. Araw-araw ay may kalayaan tayo na i-prioritize ang sarili. Sa simpleng pag- set ng screen limits sa laptop o gadgets, paglabas at paglalakad sa kalikasan, pag breathing exercises, o mga libangan gaya ng gardening ay maaari nating maipahinga ang ating mga sarili, lalo na ang mga utak natin. Tulad ng sinabi ni Twenge et al. (2018), ang pag limit natin sa pag gamit ng mga electronic devices ay nagpapabuti ng ating pagtulog, nagpapababa ng pagkabalisa, at nagpapatibay ng ating mga sarili.
Isang selebrasyon ng katatagan at karapatan ng mga babae ang Women's Month. Habang mas lalo nating inaasikaso ang ating mga sarili, mas madali nating makakamit ang kapanatagan ng loob sa buhay. Sa pamamagitan nito mas lalo nating mapanghahawakan ang isang kinabukasan na tutulong sa atin upang lumago, gumaling, at mamuhay ng ayon sa ating mga karapatan bilang babae.
References:
Brown, B. (2012). Daring greatly: How the courage to be vulnerable transforms the way we live, love, parent, and lead. Gotham Books.
Goleman, D. (1995). Emotional intelligence: Why it can matter more than IQ. Bantman Books.
Kabat-Zinn, J. (1990). Full catastrophe living: Using the wisdom of your body and mind to face stress, pain, and illness. Dell Publishing.
Twenge, J.M., Martin, G.N., & Campbell, W.K. (2018). Decreases in psychological well-being among American adolescents after 2012 and links to screen time. Emotion, 18(6), 765-780. https://doi.org/10.1037/emo0000403